General Santos City – Arestado ng General Santos City PNP ang mga armadong kalalakihan na tumangay ng Php150,000 sa isang negosyante matapos itong maharang sa isinagawang checkpoint/hot pursuit operation sa Barangay Tinagaan, General Santos City noong ika-4 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga suspek na sina PCMS Renante B Medina, 44, may asawa , nakatalaga sa Foot Patrol and Bike Unit, Davao City Police Office; PMSg Christopher C Ararao, 45, annulled, nakatalaga naman sa Police Station 6, Davao City Police Office; Edwin T Salvador, 40, karpintero, residente ng relocation, Barangay Tibungco, Davao City at si Winston Jay L Ongco, 30, may asawa, welder residente ng Barangay Bunawan, Davao City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, dakong alas 9:45 ng gabi ng makatanggap ng reklamo ang Police Station 7, GSCPO mula sa biktima na si Jacky A Faeldin, 37, may asawa, fish dealer, residente ng Purok Ondok Gawan, Barangay San Jose, General Santos City na apat na armadong kalalakihan ang sapilitang kumuha ng kanyang pera na nagkakahalaga ng Php150,000, cellular phone at coin banks.
Dagdag pa ng biktima na agad namang tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang sasakyang Hyundai Tucson SUV, kulay metallic gray na may plate no. LAA 8990.
Agad namang nagsagawa ng Hot pursuit Operation ang mga tauhan ng PS7, GSCPO, Police Station 8, General Santos City City Police Office at Regional Intelligence Division 12.
Matagumpay namang nahuli ang mga naturang suspek sa agarang aksyon ng PNP.
Ayon kay PBGen Macaraeg, narekober mula sa mga armadong suspek ang isang Bushmaster, 5.56mm rifle na may kasamang walong magazine at mga bala; dalawang Cal. 45 Pistol na may kasamang magazine at bala; isang Rifle Grenade; 10 Units ng Cellphone, identification cards; Php165,112 at dalawang coin banks.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong Robbery in band with the use of Firearms, at kasong paglabag sa RA 9516 at RA 10591.
Pinuri naman ni PBGen Macaraeg ang mga otoridad sa agarang pagkakondena sa mga armadong suspek.
Giit pa ni PBGen Macaraeg sa publiko at sa mga uniformed personnel na lumalabag sa mga batas na hindi sila titigilan at kukunsintihin sa kanilang maling gawain sa komunidad at tinitiyak nitong madadala sa kulungan.
“Magkakampi tayo pag kayo ay tama, magkalaban tayo pag kayo ay mali”, ani PBGen Macaraeg.
Source: Police Regional Office 12 – Public Information Office
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin