Nueva Vizcaya – Pinangunahan ng miyembro ng kapulisan ng Aritao ang isinagawang Revitalized PNP KASIMBAYANAN na inilunsad sa Brgy. Darapidap, Brgy. Kirang, Brgy. Banganan at Brgy Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya, nito lamang ika-20 ng Pebrero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Roger C Visitacion Chief of Police ng Aritao PNP at dinaluhan ng Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs), mga Christian Ministers of Aritao Association sa pangunguna nila Pastor Gerry Ordonia na nakabase sa Brgy. Darapidap, Pastor Mariemar B Pascual ng Brgy Kirang; Pastor Devora Ansan ng Bgry. Banganan; at Pastor Allen Layco ng Brgy Nagcuartelan; at mga opisyales at Purok leaders ng mga nasabing barangay.
Kabilang sa tinalakay ay ang programa ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan, gayundin ang EO 70 (NTF ELCAC) upang mas mapagtibay ang kanilang adbokasiya na sumasang-ayon rin sa hangarin ng pamahalaan at kapulisan na magkaroon ng isang maunlad at mapayapang pamayanan.
Layunin ng aktibidad na isulong ang pakikipagkapwa tungo sa progresibo at mapayapang komunidad, at mapalakas ang ugnayan ng komunidad, religious sector at pulisya tungo sa isang mapayapa at maunlad na lipunan.
Source: Aritao Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua