Ang tuloy-tuloy at walang tigil na kampanya kontra iligal na droga ng ating pamahalaan ay nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong (3) High Value Targets (HVIs) sa Angeles City noong Oktubre 26, 2021.
Sa pinagsanib na pwersa ng Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU) at Police Station 5 na pinamumunuan ni PCol Rommel Batangan ay nagsagawa ng buy-bust operation sa Mabini St., Sapang Bato, Angeles City na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong (3) suspek at nakilalang sina Nivard Sigua y Pineda alias “Vard”, 44 anyos; Jasper Sigua y Dela Cruz, 23 anyos; at Abdul Karim Grande y Panarigan, 27 anyos.
Nakuha mula sa mga suspek ang apat (4) na plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 55.00 gramo at nagkakahalaga ayon sa DDB value na Php 374,000.
Nasa kustodiya na ng nasabing istasyon ang mga sukpek para sa tamang disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5, Sec 26, at Sec 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
#####
Article by Patrolman Maria Elerna S Delos Santos