Tuesday, November 19, 2024

Areas of concern ngayong election period sa bayan ng North Cotabato, hinati sa apat na kategorya!

North Cotabato (January 14, 2022) – Naglabas na ang North Cotabato PNP ng mga ‘areas of concern’ sa lalawigan na kanilang tututukan ngayong nagsimula na ang election period sa bansa para sa National at Local Election sa Mayo 9, 2022. Kasabay ito ng pag-activate ng COMELEC sa Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) katuwang ang PNP at AFP.

Iprenisinta ni Police Major Arniel Melocotones, Chief Provincial Operation Unit ng CPPO sa mga miyembro ng PJSCC ang color-coding scheme ng mga hotspot areas sa lalawigan na nahati sa apat na kulay.

Code red o hotspot/grave concern para sa mga bayan na pinaka dapat tutukan ng awtoridad dahil nakitaan ito ng intense political rivalry at mga banta ng lawless elements tulad ng NPA, BIFF, Abu Sayaff, tiwalag na tauhan ng MNLF at MILF at iba pang grupong kahalintulad nito.

Sa Code Orange naman ang mga bayan na may serious armed threats ng New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG), rogue elements ng Moro National Liberation front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF), at iba pang kapareho na grupo.

Ang Code Yellow naman ay nangangahulugang may history na ng election-related incidents sa dalawang nagdaang eleksyon at nakitaan ng political rivalry habang ang code Green ay ang mga lalawigan naman na walang security concern o generally peaceful.

Nag-iisa ang bayan ng Pikit na sasailalim sa Code Red.  Code orange naman ang bayan ng Alamada, Aleosan, Antipas, Arakan, Carmen, Kabacan, Makilala, Matalam, Magpet, Midsayap, President Roxas, Pigcawayan at Tulunan.

Samantala ang bayan naman ng M’lang at Banisilan ay prinisintang Yellow Code habang napabilang naman ang Lungsod ng Kidapawan at Libungan sa Code green.

Matatandaang noong eleksyong 2019 ay idineklara ng COMELEC na Category Red ang buong Mindanao dahil sa armed threats at election-related violence sa lugar kaya naman patuloy ang consolidation at validation sa naturang datus kasama ang iba pang law enforcement institutions kabilang ang military para sa gagawing security at contingency plan ngayong election period.

Ang pagtukoy sa mga areas of concern at iba pang pre-election activity ay makakatulong sa pagtukoy sa strategic plan ng deployment at evaluation sa mga aspetong kailangan pang i-improve para sa nalalapit na halalan. Ito ay upang matiyak ang kapayapaan, kaligtasan at malayang halalan 2022.

####

Panulat ni Pat Khnerwin Jay A Medelin

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles