General Santos City – Kalakip ang temang “Kabayanihan tungo sa Pagkakaisa at Pag-unlad”, buong pusong nakiisa ang hanay ng Police Regional Office 12 sa paggunita ng Araw ng mga Bayani sa PRO 12, Grandstand, Tambler, General Santos City nito lamang umaga ng Lunes, ika-29 ng Agosto 2022.
Bilang paggunita, pinangunahan ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12 ang Wreath Laying Ceremony sa PRO 12 Heroes Memorial.
Ang aktibidad ay nakasentro sa pagdiriwang at pag-alaala sa maluwalhating nakaraan ng ating mga bayani na humubog ng kasaysayan ng bansa, na nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bayan.
“Ngayon, pinagtitibay namin ang aming pangako sa kapayapaan at seguridad na ipinaglaban at ikinamatay ng aming mga bayani. Sa pangakong ito, nananatili kami na labanan ang krimen, ilegal na droga, katiwalian, at terorismo”, ani PBGen Macaraeg.
Alinsunod sa binitawang salita ni PBGen Macaraeg, ang kapulisan ng PRO 12 ay mananatiling maglilingkod na may pusong Makabayan sa pamamagitan ng pagtupad sa sinumpaang tungkulin na paglingkuran, protektahan at pangalagaan ang mamamayan gaya ng sinimulan ng ating mga bayani.
###
Panulat ni Patrolman Charnie Mandia