Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Apayao Police Provincial Office sa pagdiskarga at pag-repack ng Family Food Packs sa Barangay Poblacion, Pudtol, Apayao noong ika-19 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Police Colonel Arnold D Rozote, Provincial Director ng Apayao PPO, kasama ang Pudtol Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno, FL Vargas College, at Local Disaster Risk Reduction and Management office.
Tampok sa aktibidad ang pagdiskarga ng Family Food Packs na ihahatid sa Barangay Poblacion, Pudtol, Apayao upang magbigay suporta sa kanilang relief operations para sa mga apektadong pamilya at komunidad dulot ng Bagyong Pepito.
Patunay lamang ito na ang PNP ay handang tumugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya na muling makabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad at mabigyan ng agarang suporta habang unti-unting nagbabalik sa normal ang kanilang pamumuhay.
Layunin din ng aktibidad na magbigay ng pag-asa at ipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan sa panahon ng sakuna tungo sa mas maunlad na Bagong Pilipinas.