Wednesday, September 25, 2024

Apat na suspek sa Pasay Road Rage Incident, arestado ng PNP

Arestado ang apat na suspek sa naganap na Road Rage sa Roxas Boulevard at Sen. Gil Puyat Avenue, Barangay 76, Padayon City ng mga tauhan ng Pasay City Police Station nito lamang Linggo, Setyembre 23, 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, na sina Xiaolei (40), lalaki, Wang (31), parehong Chinese Nationals, at Redentor (39), isang Filipino security driver.

Ayon kay PBGen Rosete, ang Honda Odyssey ay bumangga sa likuran ng BMW, na nag-udyok sa palitan ng putok sa pagitan ng mga sakay.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Substation 1 at ang SWAT team ng Pasay CPS.

Sa pagtatalo, binantaan ng hindi pa nakikilalang Chinese na suspek ang isang sibilyan na si William (48), na tinutukan ng baril at puwersahang kinuha ang kanyang e-bike.

Nakasakay si William sa Macapagal Boulevard nang i-flag siya ng suspek. Narekober ang ninakaw na e-bike kasunod ng pagkakaaresto sa Tambo, Parañaque.

Nrekober ang walong fired cartridge case ng .9mm firearm, limang bala mula sa .9mm firearm, dalawang metal jacket, isang deformed bullet, isang BMW 538 D , isang Honda Odessey, samu’t saring plate number, isang TARA 9mm pistol na may serial number one GIRSAN 9mm caliber pistol na may serial number na may magasin at 16 piraso ng .9mm na bala, isang Airsoft M4 Caliber na may magasin, dalawang kutsilyo, isang Iphone, sari-saring designer bag at pitaka, tseke, identification card, Php2,050.00 cash, at mga key chain na may sari-saring susi.

Samantala, agaran ding nakatanggap ng flash alarm ang Parañaque police mula sa Pasay City Police Station hinggil sa isang suspek na tumakas mula sa isang road rage incident sa kanilang area of   responsibility. Kaya agarang nagsagawa ng dragnet operation ng Parañaque City police sa Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, na humantong sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si alyas “Lin”, 34 anyos na Chinese National.

Narekober ng mga awtoridad ang isang Glock 19X caliber 9mm pistol, isang live round ng 9mm ammunition, at ang ninakaw na e-bike.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Law on Firearms and Ammunition”.

Hindi kukunsintihin ng SPD ang mga insidente na kinasasakutan ng sinuman at ipapataw sa kanila ang karampatang parusa sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles