Arestado ang apat na suspek sa isang nabuwag na drug den sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Purok 5, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte nito lamang Pebrero 21, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Andy O Rosero, Officer-in-Charge ng Daet Municipal Police Station, ang mga suspek na isang 61-anyos na babae, isang 52-anyos na lalaki, isang 41-anyos na lalaki, pawang mga residente ng Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte, at isang 29-anyos na lalaki na residente naman ng Barangay Lidong, Basud, Camarines Norte.
Ayon kay PLtCol Rosero, bandang alas 2:50 ng hapon ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng PDEA Camarines Norte (lead unit), Daet MPS, PPDEU at CNPHPT.
Narekober mula sa mga suspek ang 15 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na Php102,000 at mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng adminitrasyon na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga ilegal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Source: Daet MPS Cnppo
Panulat ni Pat Carmela Bianca Panganiban