Boluntaryong sumuko ang apat (4) na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga tauhan ng Criminal Investigation ang Detection Group – Regional Field Unit BAR sa Pusao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Norte nito lamang ika-6 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ariel T Huesca, Regional Chief ng PNP Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit Bangsamoro Autonomous Region, ang mga sumuko na sina alyas “Matsu”, 36 anyos; alyas “Ar”, 31 anyos; alyas “Ben”, 27 anyos; alyas “Yahya”, 21 anyos; na pare-parehong residente ng naturang lugar.
Ang boluntaryong pagsuko ng apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilalim ng Karialan Faction ng 105th Moro Islamic Liberation Front Base Command ay sa tulong ng mga tauhan ng CIDG RFU BAR katuwang ang Regional Special Operations Team, Mindanao Action Police Intelligence Office, Maguindanao del Sur PPO.
Kasabay ng boluntaryong pagsuko ay ang pag-surrender din ng kanilang armas na isang improvised 50 caliber Barret rifle, dalawang 60mm mortar, isang yunit ng homemade RPG.
Ang matagumpay na pagsuko ng miyembro ng BIFF ay bahagi ng malawakang kampanya ng pamahalaan na hikayatin ang mga rebelde at kanilang mga tagasuporta na magbalik-loob at tahakin ang landas ng kapayapaan at kaunlaran.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya