Thursday, September 19, 2024

Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa Basilan

Basilan – Boluntaryong sumuko ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang masigasig na panghihiyakat ng Basilan PNP at Philippine Army sa kampo ng 18th Infantry Battalion sa Brgy. Campo Uno, Lamitan City, Basilan nitong Hulyo 16, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Pedro Martirez Jr., Provincial Director ng Basilan Police Provincial Office ang apat na sumuko na sina alyas “Abu Jafar”, residente ng Brgy Bato-Bato, Al-Barka, Basilan; alyas “Sambon”, residente ng Brgy. Bana, Tipo-Tipo, Basilan; alyas “Abu Kain”, residente ng Brgy. Lower Sinangkapan, Tuburan, Basilan; alyas “Aksad”, residente ng Brgy. Lower Sinangkapan, Tuburan, Basilan.

Ayon kay PCol Martirez Jr., kasabay ng kanilang pagsuko ang isang calibre M2 Carbine na walang serial number at tatlong calibre M1 Garand na may serial number na 2438762; 2480230 at 1485818.

Ayon pa kay PCol Martirez Jr, ang pagbabalik-loob ng apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group ay dahil sa pakikipag-usap at panghihikayat ng PNP at AFP sa Basilan na lisanin na nila ang kanilang grupo upang sa gayon ay magkaroon sila ng pangalawang pagkakataon na makasama nila ang kanilang mga pamilya.

Ang mga nasabing baril ng mga sumukong indibidwal ay nasa kustodiya na ng 18th Infantry Battalion.

“Ang pagsuko ng miyembro ng Abu Sayyaf Group ay dahil sa pinaigting na kampanya ng gobyerno sa programang The National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at sinusuportahan ito ng Basilan PNP upang sa gayon ay mabigyan sila ng bagong pag-asa na mamuhay na kasama nila ang kanilang mga pamilya at magkaroon ng bagong buhay,” ani PCol Martirez Jr.

###

Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles