Arestado ang apat na lalaki na may kasong paglabag sa Republic Act 10654 o Illegal Fishing sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Sta. Elena PNP sa Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte nito lamang Pebrero 26, 2024.
Kinilala ni PMaj Norwen Abelida, Officer-in-Charge ng Sta. Elena Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Mike”, 45, may asawa; alyas “Ed”, 38, binate; alyas “Bart”, 36, binate; at si alyas “Chito”, 36, may asawa; na pawang mga residente ng Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ayon kay PMaj Abelida, bandang alas 4:45 ng madaling araw ng isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Seksyon 93 ng Republic Act 10654 (Illegal Fishing).
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang bagong Pilipinas.
Source: Sta. Elena MPS CNPPO
Panulat ni Pat Carmela Bianca D Panganiban