Thursday, February 6, 2025

Apat na High Value Individual, timbog sa buy-bust; Php176K halaga ng shabu at mga iligal na armas, kumpiskado

Arestado ang apat na High Value Individual (HVI) matapos mahulihan ng nasa mahigit Php176,000 halaga ng iligal na droga, baril at explosive devise sa ikinasang buy-bust operation ng PNP sa Purok Honey Vill Barangay Silway 8, Polomolok, South Cotabato nito lamang ika-4 ng Pebrero 2025.

Kinilala ni Police Brigadier General Arnold P Ardiente, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jonathan”, 47-anyos; alyas “Nante”, 39; alyas “Pagi”, 46, at si alyas “Ryan”, 40, pawang mga residente ng Barangay Apopong, General Santos City.

Ikinasa ang naturang operasyon sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12 (lead unit), Regional Intelligence Unit (RIU) 12, PNP Police Drug Enforcement Group (PDEG) 12, RMFB 12, Regional Intelligence Division (RID) 12 at Polomolok Municipal Police Station.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 26 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php176,000, buy-bust money, isang yunit ng Shotgun na may kasamang limang bala, dalawang yunit ng Cal.22 revolver na may kasamang walong bala, isang yunit ng Cal 45 na baril na may kasamang magasin at pitong bala, isang granada, at iba pang non-drug items.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, RA 9516 (Illegal Possession of Explosives) at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” kaugnay sa ipinatutupad na COMELEC Gun Ban.

Sa kabila ng matagumpay na operasyon ng PRO 12, tiniyak ni PBGen Ardiente, na mas lalo pang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga tungo sa kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran ng Rehiyon 12.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles