Namigay ng mga kagamitan sa pag-aaral at mga medical kit ang mga kapulisan ng Zamboanga sa apat (4) na pampublikong paaralan sa ilalim ng BARANGAYanihan Program ng PNP.
Kasama ang Police Regional Office sa Zamboanga Peninsula at Zamboanga City Police Office na namahagi din ng mga grocery item sa nasabing mga paaralan.
Ayon kay PBGen Ronaldo Genaro Ylagan, Director ng PRO-Zamboanga Peninsula, ang mga kapulisan ay tumulong mag-ayos at nagpinta ng mga silid-aralan; inayos ang mga sira-sirang mesa at upuan; at tumulong din maglinis sa paaralan.
Ang apat (4) na paaralan na benepisyaryo ay ang Ayala National High School, Culianan National High School, Lunzuran National High School, at Zamboanga City High School-Main.
“Habang nagsisimula ang pasukan para sa limitadong face-to-face na mga klase, ang mga guro’t mag-aaral ay nahaharap sa mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic”, dagdag pa ni PBGen Ylagan.
Ang programang BARANGAYanihan ay unang ipinakilala ni PMGen Rhodel O Sermonia, dating Direktor ng Directorate for Police Community Relations (TDPCR) na ngayon ay kasalukuyang Director ng Directorate for Operations (TDO).
Ang mga nasabing aktibidad ay ipinatupad ni PBGen Eric E Noble, Director ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG).
Pinasalamatan naman ng mga opisyal ng apat na paaralan ang PRO-Zamboanga Peninsula, ZCPO at iba pang mga stakeholder sa kanilang patuloy na suporta dito.
###
Article by: PCpl Romulo Cleve M Ortenero