Tarlac – Nagbigay kalaaman ang mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa mga mag-aaral ng Grade 10 ng Maungib High School, Brgy. Maungib, Pura, Tarlac nito lamang Martes, ika-29 ng Agosto 2023.
Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Ford Sudaypan, Force Commander ng 2nd Tarlac Provincial Mobile Force Company.
Nagbigay kaalaman ang mga awtoridad patungkol sa Executive Order No. 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na kung saan ipinaliwanag ang maling gawain at impluwensya ng mga kasapi ng komunistang teroristang grupo.
Ang naturang pagtuturo na naglalayong mailayo ang mga kabataan at maprotektahan ang kanilang kinabukasan laban sa mga kilusan ng komunistang teroristang grupo at sinisiguro ng Tarlac PNP ang patuloy na pangangampanya laban sa insurhensiya at terorismo sa kanilang nasasakupan.
Source: Tarlac 2nd PMFC
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera