Nagsagawa ang Bataan Police Provincial Office ng isang araw na seminar patungkol sa Anti-Sexual Harassment sa Camp PFC Cirilo S Tolentino, Balanga City, Bataan nito lamang ika-17 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Nestor T Chavez, Deputy Provincial Director for Administration, ang nasabing seminar na dinaluhan ng mga miyembro ng Bataan PPO Command Group at Staff, mga Chiefs of Police, at PESPOs mula sa iba’t ibang bayan.
Tinalakay dito ang mga batas tulad ng Republic Act 7877 (Anti-Sexual Harassment Act) at Republic Act 11313 (Safe Spaces Act) na tumutukoy sa Gender-Based Sexual Harassment.
Bukod dito, binigyan ng seminar ang mga opisyal ng mas malalim na pag-unawa sa mga epekto at implikasyon ng harassment upang makalikha ng mas ligtas na kapaligiran at maiwasan ang ganitong mga insidente sa kanilang mga yunit at opisina.
Binigyang-diin ni PLtCol Chavez, ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng mas mataas na respeto, pagiging inklusibo, at pagpapaunlad ng mas malusog na kapaligiran sa trabaho sa loob ng kanilang hanay.
Layunin ng aktibidad na ito na makapagtatag ng mas ligtas at magalang na lugar ng trabaho para sa lahat ng kasapi ng Bataan PNP.
Source: Bataan PNP
Panulat ni Pat Nikki Lyra Cinderella Barbero