Cebu City – Aktibong sinuportahan ng mga tauhan ng Police Regional Office 7 ang isinagawang Anti-Illegal Drugs Symposium kaugnay sa programang Battle Against Drugs (BAD) sa Don Sergio Osmeña National High School, Brgy. Labangon, Cebu City nito lamang Miyerkules, ika-19 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng founder ng Battle Against Drugs (BAD) na si Dr. Danilo I. Bornales, katuwang ang Hepe ng Regional Police Community Affairs and Development Division 7 (RCADD), Police Colonel Antonietto Y Cañete.
Kasama rin sa naturang aktibidad ang mga Officer ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Rehiyon 7 na si Ms. Sonia Cal, Regional President at Mr. Chris Anton Miñoza, Regional Sgt. at Arms.
Samantala, ibinahagi ng mga naturang KKDAT Officers ang kanilang mga kaalaman sa masamang epekto ng ilegal na droga at mga paraan ng pagpigil sa pagkalulong sa droga sa 1,800 estudyante ng Don Sergio Osmeña National High School.
Ang programang Battle Against Drugs (BAD) ay naglalayong ipagpatuloy ang matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga, maging ang pamamahagi ng mga impormasyon sa mga paaralan at ng iba’t ibang unibersidad sa rehiyon tungo sa pagtupad ng pangunahing hangarin nito na gawing drug-free ang bansa.