Tawi-Tawi – Nagsagawa ng Information Drive ang mga kapulisan ng Tawi-Tawi Provincial Mobile Force Company na binansagang Dabarkadz o Damayan sa Barangay laban sa Krimen at ilegal na droga sa mga estudyante ng Tawi – Tawi Regional Agricultural College sa Brgy. Nalil, Bongao, Tawi – Tawi nito lamang ika-15 ng Marso 2023.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman patungkol sa Anti-illegal Drugs Campaign, Violence Against Women and their Children, Bawal Bastos Law, Crime prevention tips, at Executive Order 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Layunin nito ang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa ating mga karapatan at mga ipinatutupad na batas sa ating bansa.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolman Jicknie Juhaili, ICT PNCO sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Christian Joy Alqueza, Force Commander.
Nagpapasalamat naman ang Tawi-Tawi PMFC kay Saudi S Akmad, Chairperson ng naturang departamento na naging katuwang sa naturang aktibidad kasama ang iba pang faculties at staff ng naturang paaralan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagsasagawa ng mga aktibidad na makakatulong sa komunidad at naaayon sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mapanatili ang magandang ugnayan ng Pulisya at mga kabataan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz