Rosario, Agusan del Sur – Nagsagawa ng Anti-Illegal Drugs at Anti-Terrorism Symposium ang Rosario PNP sa Datu Lipus, National Higl School, Brgy. Poblacion, Rosario, Agusan del Sur bandang 10:00 ng umaga ng Martes, Setyembre 20, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Emily Delector ng Rosario Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Kristopher Niel Nono, Officer-In-Charge.
Tinalakay sa mga estudyante ng Pegasus Section, Grade-XII, ang masamang epekto ng ilegal na droga, mga mapanlinlang na propaganda ng Communist Terrorist Groups (CTGs) at kung paano nakakatulong ang pagiging kasapi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa mga iba’t ibang kinakaharap na suliranin ng ating bansa.
Patuloy ang Rosario PNP sa pagbibigay kaalaman sa komunidad upang mapalakas ang adbokasiya kontra ilegal na droga at terorismo.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13