Tarlac – Mahigpit na ipinatupad ng Capas PNP ang Anti-Criminality Checkpoint sa kahabaan ng Capas-Botolan Road, Brgy. Cristorey, Capas, Tarlac nito lamang Linggo, ika-30 ng Abril 2023.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Neil Reiner Mercado, Officer-In-Charge ng Capas Municipal Police Station.
Mahigpit na ininspeksyon ng mga awtoridad ang mga lisensya, official receipt at certification of registration ng mga dumaraan na pambubliko at pribadong sasakyan sa nasabing lugar.
Layunin nito na mahuli ang mga Most Wanted Persons, may mga pananagutan sa batas, masiguro ang kaayusan ng bawat motorista at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3