Tarlac – Nagsagawa ang San Jose PNP ng Anti-Criminality Checkpoint sa Araw ng Manggagawa sa kahabaan ng Brgy. Aglipay, San Jose, Tarlac nito lamang Lunes, ika-1 ng Mayo 2023.
Pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Jayson Ancheta, Team Leader, San Jose Municipal Police Station.
Tiningnan ng pulisya ang bawat pagkakakilanlan, lisensya, Official Receipt (OR) at Certification of Registration (CR) ng mga dumaraan na pampubliko at pribadong sasakyan.
Samantala, namahagi din ang mga awtoridad ng Information, Education and Communication (IEC) Materials patungkol sa Crime Prevention Safety Tips patungkol sa Anti-Illegal Drug Awareness, Bawal Bastos Law, Anti-Trafficking in Persons, Anti-Rape Law at Anti-Violence Against Women and their Children sa mga motorista.
Layunin nito ang mahuli ang mga may pananagutan sa ating batas at laging pinapaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho at sumunod sa ipinatutupad na batas.
Source: San Jose Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3