Tuesday, May 13, 2025

Anson Que Ransom na US$1.36M, na-withdraw na gamit ang foreign account – PNP

Umaabot sa USD$1,365,113 o humigit-kumulang Php75.58 Milyon ang na-withdraw mula sa ransom money na ibinayad ng pamilya ni Anson Que gamit ang isang USDT account na nakabase sa Cambodia.

Ito ay sa kabila ng nagawang pag-freeze ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa kabuuang ransom na USD$205,942 o humigit-kumulang Php11.40 milyon na natagpuan sa cryptocurrency sa labas ng jurisdiction ng Pilipinas, ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 Regional Director na si Police Brigadier General Jean S Fajardo.

“Nakapag-communicate po sila doon sa mga cryptocurrency outside of our jurisdiction, so naka-connect po ang ACG at they were able to request for the reservation at na ipa-freeze na po ito,” ani PBGen Fajardo.

Ibinahagi din ng PNP Spokesperson na ang account na ginamit sa pag-withdraw ay dati nang inimbestigahan ng mga awtoridad ng United States of America para sa pinaghihinalaang money laundering.

Habang idineklara ng pamilya na nagbayad sila ng Php200 milyon, sinabi PBGen Fajardo na nais nilang ikumpara ang halagang ito sa perang nakolekta at naitala nila mula sa mga junket at e-wallet.

Patuloy pa rin ang ginagawa ng PNP para alamin ang kabuuang halaga ng ransom na ibinayad ng pamilya para sa pagpapalaya kay Anson Que at sa kanyang driver bago ang mga pamamaslang. Ang mga hakbang na ito ay para sa tuluyang ikalulutas ng kaso, at sa seguridad ng bansa.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles