Anim na yunit ng hand tractor ang matagumpay na ipinamahagi sa mga dating Moro National Liberation Front Combatants sa Camp Jabal Nur, Barangay Cabasaran, Madamba, Lanao del Sur nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Colonel Robert S. Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, na kumatawan sa Regional Director ng PRO BAR na si Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, ang turn-over ceremony.
Katuwang ang Madamba Municipal Police Station at Madalum Municipal Police Station.
Ang mga donasyon ay pormal na tinanggap ni Alexander M. Lagawa, Chief of Staff ng MNLF Bangsamoro Armed Force/Commanding General ng National Unified Command.
Ang donasyong ito ay bahagi ng programa ng PRO BAR sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Macapaz, na naglalayong suportahan ang kabuhayan ng mga dating MNLF combatants upang higit maging produktibong miyembro ng komunidad.
Tampok sa seremonya ang lagdaan ng Deed of Donation and Acceptance, na dinaluhan at sinaksihan ng mga miyembro ng pamayanan ng MNLF, mga opisyal ng PNP, at iba pang kinatawan.
Malugod na nagpasalamat ang MNLF sa PRO BAR, dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap ng ganitong donasyon mula sa pamahalaan. Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng PNP sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Autonomous Region.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya