Thursday, November 28, 2024

Anim na lalake, timbog sa drug-bust ng Iloilo City PNP; droga at baril, kumpiskado

Iloilo City – Timbog ang anim na lalake habang kumpiskado naman ang aabot sa halos kalahating milyong halaga ng droga at mga baril kasunod ng ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Juan, Molo, Iloilo City, ngayong ika-13 ng Hunyo 2023.

Kinilala ni Police Colonel Joeresty Coronica, City Director ng Iloilo City Police Office, ang mga nahuling High Value Individual (HVI) na sina Glenn Deslate, 35; Gerald Gevero, 28; Jay Constantino, 37, pawang mga residente ng nasabing barangay, at ang tatlong Street Level Individual (SLI) na sina Estanislao Hinojales, 44; Eduardo Juatas, 25; at John Vincent Gevero, 22.

Ang drug-bust operation ay inilunsad ng pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng Iloilo City Drug Enforcement Unit at Molo Police Station, kaninang umaga ng alas-2:50 sa bahay mismo ng isa sa mga drug suspek sa nabanggit na barangay.

Ayon kay PCol Coronica, nakuha sa mga drug suspek ang 16 na pakete ng suspected shabu na may tinatayang timbang na 70 gramo at may market value na aabot sa Php476,000.      

Ayon pa kay PCol Coronica, narekober din mula sa mga drug suspek ang isang sachet na naglalaman ng marijuana dried leaves, isang 9mm caliber revolver na may limang live ammunition, isang homemade 12-gauge shotgun, at Php15,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Dagdag pa, halos dalawang buwang isinailalim ang mga drug suspek sa monitoring bago isagawa ang naturang drug operation.

Nakakulong na ang mga nahuling suspek sa Molo Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 o ang Firearms and Ammunition Regulation Act.

Patuloy pa rin ang isinasagawang hakbangin ng Iloilo City PNP upang mahuli ang mga taong gumagawa ng ilegal na aktibidad partikular na sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga upang tuluyang maging drug free ang lungsod ng Iloilo.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles