Limang (5) pasilidad ng PNP ang napinsala ng bagyong “Odette” habang hindi bababa sa 200 na pulis ang naitalang lubhang naapektuhan nito.
Sa report ng Command Center ng PNP, ang limang pasilidad ay mula sa Eastern Visayas at Bangsamoro Autonomous Region habang nasa 41 na ang naisagawang relief and rescue operation at umabot na sa 563 ang nairescue.
Ayon kay PNP Chief PGen Dionardo Carlos, patuloy ang pagbibigay ng tulong at pagpapatupad ng seguridad sa 7,201 na evacuation center kung saan ay nasa 2,432 pamilya ang pansamantalang naninirahan o nasa 100, 353 indibidwal.
“The PNP Communication lines and supply continue to be operational in all Police Regional Offices, ensuring effective command and control to supervise and direct post-disaster relief and rehabilitation operations” ani PGen Carlos.

Siniguro din ni PGen Carlos na maayos ang linya ng komunikasyon upang mas mabilis ang pagbibigay at pagpapadala ng mga impormasyon ng lahat ng opisina.
“Lesson learned from the (Super Typhoon) Yolanda experience in 2013, taught us to continue to maintain conventional communication systems as back up for modern digital telecommunications infrastructure” dagdag pa niya.
Samantala, nakapagtala na ang National Disaster and Risk Reduction Management Office ng apat (4) na kumpirmadong patay habang inaalam pa ang 27 indibidwal at ang tatlong (3) sugatan.
May isang (1) naitalang nawawala habang 135 na lugar sa MIMAROPA, Rehiyon 7,8,10 at BAR ang nakararanas pa rin ng kawalan ng linya ng komunikasyon.
Sa kasalukuyan, naitala na ang nasa 3,612 na partially damaged at 171 totally damaged na kabahayan sa MIMAROPA, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, CARAGA at BAR.
###
Panulat ni: Police Corporal Romulo Cleve M Ortenero
Source: PNA
Serbisyong Tapat..Team PNP