Saturday, April 26, 2025

Ambulansyang de Paa ng PRO Cordillera, muling umarangkada sa Sadanga, Mt. Province

Muling ipinamalas ng mga tauhan ng 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company ang kanilang pagmamalasakit sa kapwa nang kanilang tulungan ang isang senior citizen na nawalan ng malay sa Brgy. Bekigan, Sadanga, Mt. Province nito lamang ika-30 ng Enero 2024.

Ayon sa mga tauhan ng 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente na may senior citizen na nawalan ng malay sa nasabing barangay.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar kung saan gumawa sila ng improvised stretcher at binuhat ang senior citizen sa tradisyonal na pamamaraan na kilala bilang “fulig” o “Ambulansya de Paa”.

Katuwang ang mga residente sa lugar, kanilang kinarga ang senior citizen pababa sa Sadanga Rural Health Unit, na may dalawa hanggang tatlong oras na paglalakbay.

Matapos masuri ng Municipal Health Officer ay agad namang dinala ang biktima sa Bontoc General Hospital para sa agarang medikal na atensyon.

Ang Ambulansyang de Paa ay kalimitang isinasagawa sa mga lugar sa Cordillera na malalayo at hindi naaabot ng mga sasakyan o walang pwedeng magamit na sasakyan.

Masakit man ito sa balikat at paa hindi ito alintana ng mga tinaguriang Ambulansya de Paa dahil buhay ang kanilang isinasalba sa tuwing ito’y kanilang isinasagawa.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,530SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles