Thursday, December 12, 2024

Ambulansya de paa ng Calayan PNP, ipinamalas ang pagmamalasakit sa kapwa

Ipinamalas ni Patrolman Joseph Ali ng Calayan Police Station ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa nang tumulong siyang magbuhat sa isang pasyente na residente ng Purok Nagpandayan Sitio Dilam East Calayan, Cagayan noong ika-2 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Nakararanas ng malubhang pananakit ng tiyan si Ginoong Pepito A. Paja kaya kailangan siyang ilipat sa Calayan Infirmary Poblacion Calayan, Cagayan upang mabigyan ng lunas-medikal.

Mula Sitio Dilam patungong Calayan Infirmary ay nagbayanihan ang magkakapitbahay kasama si Pat Ali, na nakatalagang Pulis sa Barangay ng naturang lugar.

Nilagay sa duyan na nakatali sa buho si Ginoong Paja upang maging komportable siya habang ibinabyahe.

Ang ipinamalas ni Pat Ali ay isang pagpapakita ng malasakit sa kapwa na alinsunod sa Core Values ng PNP na “Makatao”.

Sumasalamin na ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magsisilbi sa bayan at mamamayan dahil Kaligtasan Nyo ay Sagot ng bawat miyembro ng organisasyon.

Source: Calayan PNP

Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,320SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles