Nagsagawa ng inspeksyon si Police Brigadier General Benjamin Acorda, Regional Director ng Police Regional Office 10, sa ilang Police Stations sa Misamis Occidental nitong ika 2-3 ng Mayo 2022.
Ito ay para suriin ang kahandaan ng mga tauhan para sa darating na Nasyonal at Lokal na Eleksyon 2022. Sa nasabing lalawigan, anim ang ininspeksyon ni PBGen Acorda at ito ay ang Bonifacio Municipal Police Station; Jimenez Municipal Police Station; Sapang Dalaga Municipal Police Station; Oroquieta City Police Station at Calamba Municipal Police Station.
Nagbigay rin ng paalala at gabay ang Ama ng PRO 10 sa kanyang mga nasasakupan patungkol sa responsibilidad, mandato, at pagiging non-partisan sa darating na halalan.
“Failure of election happens sa mga lugar na may maraming nangyayaring kalokohan at dayaan gaya ng vote-buying. I’m urging you to make sure na ang boto ng mga tao, ang boses ng mga tao ay maririnig nang patas at walang impluwensya ng pera.” pahayag ni PBGen Acorda.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10