Isang sanggol ang natuklasang nakasilid sa eco-bag na iniwan sa palaruan ng Tacloban City Convention Center bandang hapon ng Pebrero 27, 2026 na Nakita umano ito ng apat (4) na bata, at kaagad nilang tinawag ang atensyon ng Tourist Police Unit (TPU) personnel na naka-duty malapit sa lugar.
Dali-daling kinuha ang sanggol sa kinaroroonan nito at isinilong. Mabilis ding dumating sa lugar ang Women and Children Protection Desk (WCPD) personnel mula sa Tacloban City Police Station 1 upang tumulong sa sitwasyon.

Samantala, napansin ni PCpl Gemarie Malquesto, WCPD PNCO, na mukhang gutom na ang sanggol, at bilang ina, hindi siya nag-atubiling magpa-breastfeed sa sanggol, ginawa niya ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. Matapos ang ilang minuto, dinala ang sanggol sa City Social Welfare and Development Office bilang parte ng proseso.
“Ang mga kababaihang Pulis ng Tacloban ay sinanay hindi lamang para ipatupad ang batas kundi para matulungan ang mga kababaihan at mga bata sa delikadong sitwasyon, nagpapakita ito ng dedikasyon at pagmamahal sa tungkulin,” saad ni PCol Noelito A Getigan, City Director.
Ang Tacloban CPO ay patuloy na makikipagtulungan sa komunidad upang masigurado ang isang ligtas at maayos na komunidad.
Source: Tacloban CPO / https://www.facebook.com/share/p/18JmdNvU7A/



