Patay si Al Barka Municipal Mayor Darussalam Saguindilan Lajid habang sugatan naman si Akbar Municipal Mayor Alih Awal Sali at dalawang (2) security escort nito sa pananambang ng apat (4) na motorcycle-riding gunmen sa Seaside ng Baliwasan, Zamboanga City noong Disyembre 6, 2021.
Ayon sa ulat ng Zamboanga City Police Office Station 11, bandang alas-8:31 ng umaga habang naglalakad ang dalawang alkalde patungo sa mosque kasama ang driver ni Salih at isa pang escort sa bahagi ng Baliwasan seaside nang paulanan sila ng bala ng apat (4) na motorcycle-riding gunmen na armado ng cal. 45 pistol. Namatay si Mayor Lajid at ang security aide na si Barad Nuruddin. Itinakbo naman si Mayor Alih Sali at isa pang security aide sa Cuidad Medical Hospital.
Bunsod nito, mariing kinondena ni Deputy Speaker at Basilan Representative Mujiv Hataman ang nangyaring pananambang sa dalawang alkalde. “I strongly condemn the killing of Al Barka Mayor Darussalam Lajid early morning today at the Baliwasan Seaside, Zamboanga City. The incident also left Akbar Mayor Alih Salih and two security escorts wounded,” pahayag ni Hataman.
Si Lajid ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan habang patuloy na nilalapatan ng lunas si Salih at isa pang security escort ngunit binawian din ng buhay sa insidente ang nasabing driver.
Mariin rin ang panawagan ni Basilan Governor Jim Salliman sa nangyari at inutusan ang kapulisan ng agarang imbestigasyon ang nasabing insidente.
Sinisiguro naman ng Pambansang Pulisya na agad nila itong bibigyan ng karampatang aksyon at masusing imbestigasyon upang mabilis na madakip at mapanagot sa batas ang mga taong nasa likod ng madugong krimen.
xxxx
Panulat ni: NUP Sheena Lyn Montiero Palconite
Good job
Maraming salamat PNP, sana mawakasan na ang ganitong krimen.