Leyte – Nahanap at nakumbinsing sumuko ang isang aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad sa Sitio Laray, Brgy. Libertad, Kananga, Leyte nito lamang Hunyo 5, 2023.
Kinilala ni Police Captain Gennie Ann Tualla, Officer-In-Charge ng 805th Maneuver Company, RMFB 8, ang sumuko na si alyas “Joan”, 38 at kasama nitong isinuko ang isang unit ng Caliber .38 Armscore na kargado ng apat na live ammunition.
Gayundin, nakatanggap si alyas “Joan” ng agarang tulong na isang sakong bigas, food packs, at tulong pinansyal.
Ang boluntaryong pagsuko ay bunga ng patuloy na pagpapatupad ng Executive Order No. 70 kaugnay sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Program ng Pamahalaan at DILG-DND JMC No. 2018-01.
Si alyas Joan ay dinala sa opisina ng 805th Maneuver Company para sa booking at tamang dokumentasyon habang nakabinbin ang kanyang aplikasyon para maka-avail ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Samantala, humihingi naman ng suporta ang kapulisan sa publiko para labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang miyembro ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan, mamuhay ng mapayapa at makiisa sa mga programa ng gobyerno tungo sa pangmatagalang kapayapaan at pagiging progresibo ng ating bansa.