Bilang paghahanda sa Ati-atihan Festival 2023 sa lalawigan ng Aklan, nagsagawa ng iba’t ibang Simultaneous Exercise (SIMEX) ang mga kapulisan ng Aklan nitong ika-12 ng Enero 2023.
Layunin ng aktibidad na masigurong maayos at ligtas ang pagdiriwang ng Ati-atihan Festival upang maging handa sa anumang pangyayari na maaaring maganap sa nasabing selebrasyon, lalo na’t ito’y matagal nang hindi ipinagdiwang sa nakalipas na dalawang taon dulot ng pandemyang COVID-19.
Dagdag pa, isa rin sa mga dahilan kung bakit isinasagawa ang SIMEX ay para subukin ang kahandaan ng mga kapulisan na nakatalaga sa lugar sa oras na kakailanganin, gayundin, isa din ito sa mga hakbangin upang maiwasan ang anumang insidenteng hindi kanais-nais na pwedeng mangyari.
Sa pahayag naman ng Commander for Security na si Police Lieutenant Colonel Avin Balio, sa lahat ng mga Unit Commanders na maging alerto at maging maingat sa lahat ng oras upang maunahan ang mga masasamang loob sa kanilang mga ilegal na aktibidad.