Lumahok ang mga tauhan ng Agusan del Norte Police Provincial Office sa isinagawang groundbreaking at pirmahan ng kasunduan para sa Inter-Local Agency Partnership (ILAP) sa Sitio Talaganahaw, Barangay Talo-ao, Buenavista, Agusan del Norte nito lamang Marso 21, 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel April Mark C Young, Provincial Director ng Agusan del Norte Police Provincial Office, ang aktibidad na dinaluhan din ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina Governor Ma. Angelica Rosedell M. Amante ng Agusan del Norte at Mayor Joselito T. Roble ng Buenavista.
Dumalo rin ang mga miyembro ng ILAP, mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, sektor ng lipunan, at mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ang groundbreaking at pirmahan ng kasunduan ay bahagi ng proyektong pabahay para sa Friends Rescued (FR), na naglalaan ng ligtas at maayos na tirahan para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan.
Nilalayon nitong bigyan ng bagong simula, matiyak ang kanilang seguridad, at maiwasan ang muling pagsali sa armadong kilusan.
Kasabay nito, may mga programang pangkabuhayan upang matulungan silang magkaroon ng pangmatagalang hanapbuhay at maayos na pamumuhay. Ang proyektong ito ay patunay ng pagtutulungan ng gobyerno, pulisya, militar, at iba’t ibang sektor sa pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PD Young ang halaga ng proyekto sa pagbibigay ng pag-asa at bagong pagkakataon sa mga nagbalik-loob.
“This housing project is more than just a shelter. It is a symbol of our government’s commitment to ensure that no one is left behind, that those who choose peace over violence will find a place to rebuild their lives with dignity and security. This is the true essence of a reliable local government—a local government that always prioritizes the welfare of its people.”
Panulat ni Pat Karen Mallillin