Isinakatuparan ng mga tauhan ng RSTU-2 sa pamumuno ni PLtCoL Nelson Vallejo ang pagbibigay sorpresa sa anim na Agta scholars sa Agugadan Peñablanca, Cagayan noong ika-20 ng Agosto 2022.
Ipinaranas ng PNP RSTU2 ang unang pagkakataon sa mga katutubong AGTA na makapasok at masayang magsalo salo sa isang kilalang fastfood restaurant upang ipadama na hindi sila naiiba sa komunidad at sa pamamagitan nito ay maranasan din nilang kumain sa ganitong lugar kasama ang kapulisan.
Lubos naman ang kanilang pasasalamat sa kapulisan sa kanilang hindi malilimutang karanasan, bakas sa kanilang mukha ang mga ngiti at galak sa pagmamahal at sorpresang hinandog ng PNP.
Bukod dito ay ipinagkaloob din ng RSTU2 ang pagbili ng mga school supplies tulad ng bag, notebooks, papel, lapis, pantasa, pambura, ballpen, plastic envelop, tsinelas, baunan ng tubig, spray bottle, alcohol, facemask, tsinelas at iba pang gamit pang eskwela sa anim na Agta scholars ng RSTU2.
Ang mga scholars ay kabilang sa Agta tribe ng Agugaddan, Penablanca, Cagayan at ang programang ito ng RSTU2 ay kabilang sa kanilang Best Practice na “Project TAGAPAGSANAY”.
Samantala, patuloy naman ang RSTU2, PNP Training Service sa paghahatid at pagbibigay tulong hindi lamang sa mga kapatid nating Agta kundi sa buong Rehiyon Dos na mailapit pa ang mga serbisyo ng PNP sa komunidad.
Source: RSTU 2
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier