PeƱablanca, Cagayan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng PeƱablanca PNP at Regional Special Training Unit 2 sa isang Agta Community sa Bugatay, PeƱablanca, Cagayan noong ika-10 ng Agosto 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Harold Ocfemia, Officer-In-Charge ng PeƱablanca PNP at PLt Gilbert Torres, Admin PCO ng RSTU 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Nelson Z Vallejo, Officer-In-Charge ng RSTU 2 at mga tauhan nito kasama si Pastor Angelita Calalang (MBK-LC) at ilang opisyal ng barangay.
Kasama sa aktibidad ang pamamahagi ng food packs, mga bitamina, damit (ukay-ukay) at facemask.
Umabot naman sa 50 na bata at 40 na matanda ang nakatanggap ng food packs sa mismong mga residente ng nasabing barangay.
Nagkaroon din ng feeding program at recreational activities para naman sa mga kabataan sa pangunguna ng MBLK Life Coaches.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa tulong na hatid at handog ng PNP.
Malaking tulong ang programa na ipinaabot ng PeƱablanca PNP at RSTU-2 para sa mga agta community na naglalayong makapagbigay ng agarang tulong at maihatid ang serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayang higit na nangangailangan.
Source: RSTU 2
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier