Davao City (February 11, 2022) – Nagsagawa ng isang Writeshop ang Philippine National Police-Police Regional Office 11 (PRO11) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Pebrero 11, 2022 sa Camp Sgt Quintin M Merecido, Buhangin, Davao City.
Ang naturang programa ay tinawag na “Writeshop for Joint Letter Directive between AFP-PNP re Retooled Community Support Program (RCSP) and Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB)” na pinangunahan ni PBGen Edgar Alan Okubo, Deputy Regional Director for Administration.
Ang naturang Writeshop ay isa sa mga hakbang upang makabuo ng panuntunan sa pagsasagawa ng programang Revitalized–Pulis sa Barangay (R-PSB) ng PRO11 at Retooled Community Support Program (RCSP).
Ibinahagi ng bawat panig ang kani-kanilang presentasyon upang malaman at maunawaan ng lahat kung ano ang nakapaloob sa bawat programa na ginagawa ng dalawang hanay.
Layunin ng Writeshop na lalo pang paigtingin ang samahan at pagtutulungan ng AFP-PNP sa pagsugpo ng insurhensya sa ating bansa.
####
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara, RPCADU11
Great work PNP