Nagsagawa ng Adopt a School at PNP Outreach Program ang mga miyembro ng Bukidnon PNP sa Luyungan Rural Farm School, Bangcud, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-23 ng Enero 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Police Colonel Jovit Culaway, Officer-In-Charge ng Bukidnon Police Provincial Office, kasama si Police Captain Nilo Maderse, Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) at iba pang miyembro ng Bukidnon PNP.
Suportado rin ng lahat ng City/Municipal Police Stations at Provincial Mobile Force Company na regular na nagbibigay ng iba’t ibang goods, toiletries, at sako-sakong bigas.

Isinagawa rin ang libreng-gupit para sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Patunay lamang na patuloy ang pagsasagawa ng Bukidnon PNP sa kanilang tungkulin na magbigay ng serbisyong may puso at nagkakaisa para sa ikakaunlad ng komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Rizza C Sajonia