Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya (February 21, 2022) – Nagpaabot ng tulong ang mga kapulisan ng Nueva Vizcaya para sa mga Vizcayano na kapos sa buhay sa Brgy. Pelaway, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya noong ika-21 ng Pebrero 2022.
Malugod na tinanggap ng mag-asawang Jeffry Ripuya, 36 taong gulang at Marcela Ripuya, 35 taong gulang kasama ang kanilang apat na anak ang mga ibinigay na pagkain ng mga kapulisan.
Nag-ambagan ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Force Platoon, 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Manuel Medina Jr. upang makapagbahagi ng tulong sa pamilya Ripuya.
Alinsunod ang aktibidad sa “Adopt a Family” program ng Pambansang Pulisya at naaayon sa PNP Core Value na “Makatao”.
Isa itong patunay na ang kapulisan ay gagawin ang lahat upang makatulong at makapagpasaya sa ating mga kababayan.
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag, RPCADU2