Bangued, Abra – Nagtayo ng isang temporary operation center (OPCEN) sa labas ng gusali ang mga kapulisan ng Abra PNP bilang admin support para sa mga personnel na nadeploy sa mga apektadong lugar dulot ng lindol sa Camp Colonel Juan Villamor, Bangued, Abra noong Hulyo 28, 2022.
Ayon kay Police Colonel Maly C Cula, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office, itinayo ang temporary operation center sa labas ng building dahil ang mga gusali sa naturang kampo ay nakitaan ng mga bitak kaya’t pinagbawalang pumasok dahil na rin sa mga nagaganap na aftershocks ng lindol.
Ayon pa kay Police Colonel Cula, sa pamamagitan ng OPCEN, maayos na nairerelay ang mga instructions mula sa Regional at National Headquarters at maayos rin nacoconsolidate ang mga reports mula sa iba’t ibang police stations sa Abra at mga situation report mula sa mga personnel na nagsasagawa ng mga search, rescue, retrieval, at relief operations.
Maliban dito, ang OPCEN rin ay tumatanggap ng mga tawag mula sa mga residente at nagcocoordinate sa mga deployment ng mga personnel para sa maayos at agarang police response.
Siniguro naman ni PCol Cula na ang mga kapulisan ay patuloy at handang maghahatid ng serbisyo sa publiko lalong lalo na sa panahon ng peligro.
Source: PNP Cordillera FB Page