Danglas, Abra – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Abra PNP sa Sitio Abot, Brgy. Cabaruan, Danglas, Abra, nito lamang Hulyo 15, 2022.
Ito ay pinamunuan ni PCol Maly C Cula, Acting Provincial Director, Abra Police Provincial Office, katuwang ang mga tauhan ng Police Community Affairs and Development Unit Abra, Public Information Office Abra, PNP SAF, 1st PMFC at RHU Danglas.
Ayon kay PCol Cula, ang nasabing barangay ay isa sa mahirap mapuntahan na lugar sa Danglas, Abra, gayunpaman ito ay hindi naging hadlang sa PNP Abra para maihatid ang kanilang programa.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th PCR Month na may temang: “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”
Tinatayang 30 na kabataan at 23 kabahayan ang nahandugan ng mga grocery items, school supplies, tsinelas at pre-loved clothes.
Sila rin ay nakatanggap ng libreng gupit at free blood pressure monitoring.
Ayon pa kay PCol Cula, lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na tulong mula sa PNP.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad upang maging kaisa sa pagsuporta sa mga kampanya ng pamahalaan kontra kriminalidad, insurhensya at ilegal na droga.
Source: Abra PPO
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes