Davao City – Nagsagawa ng inspeksyon ang Revitalized-Pulis sa Barangay upang masigurong ligtas ang mga Vote Counting Machines bago ang araw ng halalan sa Alejandro Navarro Elementary School, Lasang, Davao City, nito lamang Sabado, Mayo 7, 2022.
Ito ay sa pangunguna ni PLt James Balbin Jr., R-PSB Pañalum Team Leader at sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Nolan Raquid, Plans and Programs Unit, R-PSB Over-all Coordinator/ Chief, City Information and Communication Technology Management Unit.
Bilang paghahanda sa nalalapit na National and Local Elections 2022 sa Mayo 9, 2022 sinisiguro ng bawat R-PSB Team na walang magiging problema o aberya ang mga VCMs bago ang petsa ng paghahatid sa itinalaga nitong polling precinct sa Pañalum Elementary School.
Ang Police Regional Office 11 kasama ang iba pang R-PSB Team ay mas lalong paiigtingin ang kampanya para sa Secure, Accurate, Free/Fair NLE 2022 sa pamumuno ni Regional Director, PBGen Benjamin Silo Jr.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita