Drug personality, arestado ng Davao CPO; mahigit Php174K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska

0
480

Muling pinaigting ng Davao City Police Office (CPO) ang kampanya nito laban sa ilegal na droga matapos maaresto ang isang drug personality na recidivist at masamsaman ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php174,760 sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Ma-a, Davao City, noong Nobyembre 17, 2026.

Isinagawa ang operasyon dakong 5:00 ng hapon sa Purok 26, Diversion Road, Brgy. Ma-a, ng mga tauhan ng Police Station 16 (Ma-a), sa pangunguna ni PMaj Philip Dave A Uddin, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Region XI (PDEA XI).

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 25.70 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php174,760.

Pinuri ni PCol Peter Bauzon Madria, Director ng Davao CPO, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at mabilis na pagkilos. Binigyang-diin niya ang patuloy na pagpapalakas ng mga operasyong nakabatay sa intelligence information upang mapigilan ang paglaganap ng ilegal na droga at mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa lungsod.

Patuloy na paiigtingin ng DCPO ang kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng layuning mapanatili ang isang ligtas, mapayapa at drug-free na Davao City.

Leave a Reply