Php3.62M halaga ng hinihinalang smuggled garment sa Bacolod City, nasamsam ng PNP

0
411

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang iba’t ibang uri ng segunda-manong damit na nagkakahalaga ng tinatayang Php3.62 milyon sa isinagawang operasyon sa Brgy. Cabug, Bacolod City, Negros Occidental noong Nobyembre 16, 2026. Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga hinihinalang ilegal na kalakalan at pagpupuslit ng mga produkto.

Nagreresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng isang suspek na may kaugnayan sa nasabing illegal na kalakalan. Pinangunahan ito ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit–Negros Island Region Regional Special Operations Team (CIDG RFU-NIR RSOT), katuwang ang CIDG Bacolod City Field Unit, Police Intelligence Unit ng Negros Occidental Police Provincial Office, at Station 9 ng Bacolod City Police Office.

Matapos ang operasyon, dinala sa CIDG RFU-NIR ang naarestong suspek at mga nakumpiskang damit para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasagawa ng mga legal na proseso.

“Those who follow the law must not be put at a disadvantage by those who violate it. We will sustain our operations and strengthen coordination with partner agencies to ensure that illegal trade is addressed and those responsible are held accountable under the law (Hindi dapat malugi o mapag-iwanan ang mga sumusunod sa batas dahil lamang sa mga lumalabag dito. Patuloy nating isasagawa ang ating mga operasyon at palalakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang matugunan ang ilegal na kalakalan at matiyak na ang mga responsable rito ay mananagot alinsunod sa batas) Walang puwang ang ilegal na gawain sa isang patas na kalakalan,” ani PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Binigyang-diin din ng PNP na mahalaga ang koordinasyon sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan at ang pagsasagawa ng mga operasyong nakabatay sa intelligence upang matugunan ang mga ilegal na gawain. Alinsunod ito sa PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO), bilang bahagi ng pagsusulong ng maayos na pagpapatupad ng batas, pangangalaga sa lehitimong kalakalan, at paghahatid ng mabilis, tapat at nararamdamang serbisyo publiko, na naaayon sa adhikain nitong “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO https://www.facebook.com/share/p/1HnYjkfnve/

Leave a Reply