QCPD, nananatili ang pagpapatupad ng seguridad sa ASEAN Summit 2026

0
543

Tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng seguridad at kaayusan ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD). Nag-inspeksyon si Police Brigadier General Christopher Olazo, Acting District Director, sa mga mga naka-deploy na pulis sa Commonwealth Avenue kanto ng University Avenue, UP Diliman, dakong 2:30 ng hapon noong Nobyembre 17, 2026.

Bahagi ang pagbisita ng patuloy na pagmomonitor sa seguridad para sa ASEAN Summit 2026. Layunin nitong matiyak na nananatiling alerto, handa, at maagap sa pagtulong sa publiko ang mga pulis sa mga pangunahing lansangan.

Sa pamamagitan ng pinaigting na presensya ng kapulisan, sinisiguro ng QCPD ang ligtas, maayos, at payapang kapaligiran sa buong panahon ng pagdaraos ng nasabing pagtitipon na layunin ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: QCPD

Leave a Reply