QCPD, tiniyak ang kahandaan ng mga pulis na nakatalaga sa seguridad ng ASEAN Summit

0
56

Nagsagawa ng personnel accounting ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa QCPD Grandstand dakong 7:30 ng umaga nito lamang, Nobyembre 16, 2026, upang matiyak ang kahandaan at wastong bilang ng mga pulis na nakatalaga sa seguridad ng ASEAN event.

Pinangunahan nina Police Colonel Arthur Salida, Acting Chief of the District Directorial Staff, at Police Lieutenant Colonel Roldante Sarmiento, Chief ng District Operations and Plans Division, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Brigadier General Christopher Olazo, Acting District Director, QCPD, ang naturang aktibidad.

Layunin ng personnel accounting na matiyak na kumpleto, nasa tamang puwesto, at handa sa tungkulin ang mga pulis na itinalaga sa Welcome Rotonda bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad sa mga aktibidad ng ASEAN Summit.

Patuloy na pinagtitibay ng QCPD ang kahandaan at disiplina ng mga tauhan nito upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga operasyong pangseguridad at mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng mahalagang pagtitipon na layunin ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EjMUuyieR/

Leave a Reply