Masbate – Apat na mangingisda ang natagpuang patay matapos ang nangyaring pagsabog sa Sitio Ipil, Brgy. Buyo, Cleveria, Masbate nitong Huwebes, Mayo 5, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rolly Albana, Provincial Director ng Masbate Police Provincial Office ang mga biktima na sina Ryan Manapao, 30; Eddie Maloloy-on Jr. Lape, 20; parehong residente ng lugar at sina Jonathan Lape, 41; at Roque Mar Guazon, 19, parehong residente ng Sitio K-putol, Barangay Pasig, Claveria.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Masbate PNP lumalabas na nasa proseso ng paggawa ng dinamita ang mga biktima na gagamitin sa pangingisda na may sangkap ng ammonium nitrate o “abono” at blasting caps sa loob ng bahay ng isang Maloloy-On Jr. ng biglang nangyari ang pagsabog.
Muling pinapaalala ng mga Masbate PNP na mahigpit na pinagbabawal sa batas ang paggamit ng dinamita sa pangingisda. Hindi lamang umano ang karagatan ang pwedeng mapinsala sa paggamit nito, kundi maging ang buhay lalo na ng mga mangingisda.
Source: Masbate PNP
Panulat ni PCpl Shiear “Kye” Velasquez-Ignacio