Tinutukan na ng Cebu City Police Office (CPO) ang paghahanda ng seguridad at kaligtasan sa selebrasyon ng darating na 462nd Fiesta Señor at Sinulog 2027.
Nito lamang, November 13, 2026, pinangunahan ni PCol Ricky C Sumalde, Acting City Director ng Cebu CPO, ang isang security review conference na ginanap sa Cebu CPO Command Center, Camp Sotero Cabahug, Gorordo Avenue, Cebu City.
Dumalo sa nasabing conference ang Deputy City Director for Administration (DCDA) at Operations (DCDO), ang Chief at Assistant Unit Chief ng Cebu City Operations Management Unit (COMU), Staff Officers mula sa Station 1 hanggang Station 10, CESPO representatives, at iba pang mga tauhan.
Nakatuon ang naturang conference sa pagsasagawa ng assessment at pagsasaayos ng kabuuang security framework na ipapatupad kasabay ng selebrasyon. Sakop nito ang usapin kaugnay sa epektibong police personnel deployment, strategic positioning ng mga security forces, crowd management and control measures, at mga emergency response protocols upang matutukan ang pagkakaroon ng epektibong security coverage at kahandaan ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan.
Nagkaroon din ng mga follow-up sa mga naunang compliance kaugnay sa mga kinakailangang preparasyon upang mabigyan ng konkretong solusyon ang mga kinakaharap na isyu sa paghahanda para sa nasabing selebrasyon. Kasama na rito ang kinakailangang mga logistical at tactical requirements, inter-unit coordination, at iba pang mga pangangailangan ng himpilan.
Samantala, tiniyak naman ng Cebu CPO na magpapatuloy ang kanilang mga proactive planning efforts para matiyak na walang maganap na aberya sa panahon ng selebrasyon ng Sinulog at masiguro ang kaligtasan ng publiko hanggang sa matapos ang nasabing kapistahan, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1KykKGTpna/?mibextid=wwXIfr

