Bicutan, Taguig City – Timbog ang tatlong tulak ng droga sa buy-bust operation ng Southern Police District nito lamang Biyernes, ika-6 ng Mayo taong kasalukuyan.
Kinilala ni PBGen Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District ang mga suspek na sina Nadzer Talambo Ungkong alyas “Mad” (HVI), 18, nakatira sa Green Mosque Compound, Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City; Cristy Unos Disomangkop (SLI), 21, at Mabelle Unos Disomangkop (SLI), 18, pawang mga nakatira sa #10 Ninoy Aquino Ave., Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 10:30 ng umaga naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Road 16 Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng SPD at DID, DMFB.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng MOL 62.3 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php423,640 at isang Php500 bilang buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Tiniyak ni PBGen Macaraeg na ang kapulisan ng SPD ay 24 oras na mag papatrolya sa kanilang nasasakupan upang ang kampanya kontra ilegal na droga ay mas lalong maging epektibo para sa ligtas at tahimik na komunidad.
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos