Baguio CPO Police Station 7, nagsagawa ng Anti-Illegal Drug Awareness Lecture sa Josefa Cariño Elementary School

0
52

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week (DAPC) 2026, nagsagawa ang mga miyembro ng Baguio City Police Office – Police Station 7, sa pakikipagtulungan ng Josefa Cariño Elementary School sa Yandoc Street, Baguio City noong Nobyembre 12, 2026, ng Anti-Illegal Drug Awareness Lecture upang palawakin ang kaalaman ng mga batang mag-aaral hinggil sa masasamang epekto at panganib ng paggamit ng ilegal na droga.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng paggawa ng tamang desisyon, paglaban sa negatibong impluwensiya ng kapwa, at pagkakaroon ng lakas ng loob na tumanggi sa anumang uri ng ilegal na droga. Layunin din ng aktibidad na mahubog ang kamalayan ng kabataan upang makaiwas sa mga gawaing maaaring makasira sa kanilang kalusugan at kinabukasan.

Patuloy namang pinagtitibay ng Police Station 7 ang pakikipagtulungan sa mga paaralan at komunidad upang maprotektahan ang kabataan at maisulong ang isang ligtas at drug-free na pamayanan. Kaakibat ito ng adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng kapulisan sa edukasyon, pag-iwas sa krimen, at pangangalaga sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Source: Baguio CPO Police Station 7 (https://www.facebook.com/share/p/1A1XovApdt/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply