Manila City – Arestado ang isang lalaki sa kasong carnapping sa joint operation ng mga tauhan ng Manila Police District noong Huwebes, Mayo 5, 2022.
Kinilala ni PBGen Leo Francisco, District Director ng Manila Police District ang suspek na si Nelbert Roldan Buluran, 20, binata, tricycle driver at residente ng 1397 Mata St., Tondo, Manila/3206 Mata St., Tondo, Manila.
Ayon kay PBGen Francisco, dakong 7:40 ng gabi naaresto si Buluran sa kahabaan ng Pacheco St., malapit sa Corner Sta F, Tondo, Manila, ng mga operatiba ng Manila District Highway Patrol Team na binubuo nina PCpl Lorenz Salomon, Pat E.J Kevin Tizon, Pat Harry Gali, Pat, Meynard Moreno at Pat Victor Aban sa pangunguna ni Police Major Ronald De Leon at MPD PS-1 Don Bosco PCP sa pangunguna ni Police Lieutenant Aldeen Legaspi.
Ayon pa kay PBGen Francisco, ang akusado na si Buluran ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Carnapping na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Ang PNP ay lalong paiigtingin ang kampanya sa kriminalidad at pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas.