Muling umarangkada ang CAMPUSAYA ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) sa isinakatuparang School Safety Advocacy ng San Juan Municipal Police Station (MPS) sa tatlong barangay sa bayan ng San Juan, Siquijor, noong November 7, 2026.
Nanguna sa aktibidad si PMSg Cheryl Abing Sumalpong, PCR PNCO ng San Juan MPS, sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Brando T Dulnuan, Acting Chief of Police, kung saan tinalakay ang ilang serye ng “CampuSaya” lectures sa mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) kasama na rin ang ilang mga opisyal ng tatlong barangay.
Nakiisa sa aktibidad ang mga BADAC members ng Barangay Catulayan, mga Barangay Tanod ng Brgy. Timbaon, at mga Barangay Officials ng Brgy. Cansayang sa parehong bayan.
Layon ng nasabing serye ng talakayan na pagtibayin ang pagpapatupad ng “CampuSaya” Program sa mga nasabing komunidad, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan at responsibilidad ng mga barangay stakeholders sa pagpapanatili ng ligtas at payapang mga paaralan.
Sa pamamagitan ng mga parehong community-based engagements, nasisiguro ng PRO NIR ang pagkakaisa ng kapulisan at ng komunidad sa paglaban sa karahasan at anumang uri ng krimen, partikular sa mga komunidad na malapit sa paaralan, upang mapangalagaan ang mga bata at mag-aaral alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1915fit7p3/?mibextid=wwXIfr

